PHILIPPINE PASSPORTS, KINILALA NG HYPEBEAST SA HONG KONG

 



Umani ng global recognition ang pasaporte ng Pilipinas dahil sa nakakamangha nitong disenyo.

Napabilang ang pasaporte ng Pilipinas sa listahan ng world’s most aesthetic passports ng Hypebeast, isang kumpanya ng contemporary culture and lifestyle na nakabase sa Hong Kong.

Binigyang-diin pa ng Hypebeast ang disenyong “iconic Philippine eagle” na makikita sa flip cover.

Maliban dito, kabilang din sa listahan ng Hypebeast ang passport ng Norway, Canada, Hong Kong, Japan, Finland, New Zealand, Hungary, at Belgium.

Samantala, ang Pilipinas ay nag-iisyu ng tatlong uri ng passport kung saan ang maroon passports ay para sa mga Filipino citizens na babyahe para sa general purposes; red passports para sa mga opisyal ng gobyerno at mga empleyado ng official business, at ang dark blue passports ay para sa mga diplomats, Cabinet members, at iba pang opisyal ng gobyerno na may matataas na ranggo.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog