BINI, GAGAWARAN NG BILLBORAD PH BILANG 2025 WOMAN OF THE YEAR

 


Kinilala ang P-pop girl group na BINI bilang 2025 Woman of the Year ng Billboard Philippines.

Nakatakdang tatanggapin ng grupo ang parangal sa “Women In Music: The Executive Edition” na iho-ihost ng music publication.

Ang BINI ang ikalawang Filipino artist na tatanggap ng naturang titulo kung saan ibinigay ito kay Popstar Royalty Sarah Geronimo noong 2024.

Nabatid na ang Woman of the Year ang pinakamalaking award sa Women in Music Awards at nakikita bilang prestihiyosong pagkilala para sa mga kababaihan na nagbahagi ng malaking kontribusyon sa industriya ng musika at patuloy na namamayagpag.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog