Tatlong mga
daliri sa paa ng isang sanggol ang kinailangang putulin matapos na magtamo ng
grabeng sunog sa mga binti nito.
Ayon sa ulat,
aksidenteng nakatulog ang nanay ng sanggol na isang Taiwanese at naiwan nitong
naka-on ang hairdryer kung saan nakadirekta pa ito sa binti ng bata.
Huli na
napansin ng ina mayroon ng mga paltos ang binti ng sanggol dahil sa matinding
init.
Agad namang tumawag
sa mga awtoridad ang nanay ng sanggol at humingi tulong na medikal.
Sinabi ng
isang medical staff na 15% ng balat ng sanggol ay nasunog dahilan ng pagkaka-permanente
ng pinsala sa tissue. Nadiskubre din nila na ang porsyon nito ay hindi na
maaaring ayusin pa kung kaya’t kinailangang putulin ang tatlong mga daliri sa kaliwang
paa ng sanggol.
Dahil sa
naging kapabayaan ng ina, sinentensyahan ito ng korte ng limang buwang
pananatili sa kulungan at pinagmulta ng nasa NT$150,000 o mahigit P260,000.
0 Comments