NAWAWALANG FIGHTER JET, NATAGPUAN NA; 2 PATAY, NAREKOBER

 


Natagpuan na ng Armed Forces of the Philippines ang nawawalang FA-50 fighter jet pati na ang katawan ng dalawang crew sa Mount Kalatungan, sa probinsya ng Bukidnon.

Ayon kay AFP Eastern Mindanao Command commander Lt. Gen. Luis Rex Bergante, nakita ang bangkay ng dalawang piloto malapit sa lugar na nawasak ang naturang fighter jet.

Kung matatandaan, iniulat na nawawala ang naturang fighter jet nitong Marso 4 habang nasa isang misyon na magbigay ng air support para sa tropa na nakikipagsagupaan sa mga rebeldeng komunista sa northern Mindanao.

Sinasabing nawalan ito ng komunikasyon sa ibang mga aircraft na kasama sa misyon ilang minuto bago maabot ang target area.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog