15-ANYOS NA ESTUDYANTE, HUMAKOT NG 2 MEDALS SA INTERNATIONAL SCIENCE COMPETITION


 

Humakot ng apat na medalya ang isang 15-anyos na estudyante mula sa Pampanga sa isang international science competition sa Singapore.

Nag-uwi ng dalawang silver medals si Karl Vincent Agpalo mula sa Minalin, Pampanga sa Biology at Chemistry at isang bronze sa Physics sa ginanap na StemCo 2025 International Competition – isang Olympiad-style contest sa Science, Mathematics, Physics, Chemistry, at Biology.

Sa naturang kumpetisyon, 13 mga estudyante ang naglalaban-laban mula sa iba’t ibang bansa at dito, pinatunayan ni Agpalo na mayroong ibubuga ang mga Pinoy student pagdating sa global stage.

Si Agpalo ay kasalukuyang nag-aaral sa San Matias National High School.

Ito ang kauna-unahan na sumabak si Agpalo sa international stage kung kaya’t isang malaking karangalan para sa kaniya ang makapag-uwi ng karangalan hindi lang sa kaniyang paaralan kundi pati na sa bansa.

Napag-alaman na bata pa lang si Agpalo ay nakahiligan na nito ang siyensa kung kaya’t pagtungtong ng elementary ay nagsimula na itong lumaban sa mga cluster.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog