Tila na-starstruck ang Hollywood actress na si Katherine
McNamara kay Filipina actress Liza Soberano sa natatangi nitong ganda.
Mas humanga pa si McNamara kay Liza nang makita ito na nakasuot
ng bold makeup na smokey eyeshadow, eyelines, at lashings ng mascara sa bago
nitong portrait.
“Oh my GOSH you’re so stunning!” komento ng Hollywood
star.
Si Katherine McNamara ay nakilala sa kaniyang pagganap sa
supernatural drama series na “Shadowhunters” na ibinase sa novel series ng “The
Mortal Instrument” ni Cassandra Clare.
Dahil sa mahusay nitong pagganap sa pelikula ay umani ito
ng Teen Choice Award at People’s Choice Award.
Sa kabila nito, patuloy naman ang pagpupursige ni Liza na
mapalawak pa ang kaniyang karera sa abroad.
Matatandaang inilabas na ang kaniyang Hollywood debut sa
isang romantic comedy horror na “Lisa Frankenstein”.
0 Comments