Tinatayang na
nasa sampung katao ang pinatay ng mga separatistang militante matapos i-hijack
ang isang tren sa southwestern province ng Balochistan sa Pakistan.
Ayon kay Imran
Hayat, senior railway official, siyam sa mga pinatay ay mga security personnel
kabilang na ang drayber ng tren na pinatay din sa nasabing pag-atake.
Ang naturang
tren na nakilalang Jaffer Express ay hinarang ng mga armadong indibidwal nang ito’y
nakaabot sa isang tunnel. Patungong northwestern city ng Peshawar ang tren na
galing sa Quetta sa Balochista, westernmost province ng Pakistan.
Sa pag-atake
ng mga militanteng grupo, naging mainit ang pagpapalitan ng putok sa loob ng tren
na napag-alamang may sakay na daan-daang mga pasahero.
Dagdag pa
rito, ginamit ng mga militante ang mga babae at mga bata bilang panangga sa
bakbakan.
Nitong gabi
ng Martes ay pinalaya ang nasa 104 na mga hostage ng security forces habang
dinala naman sa ospital ang mga sugatang pasahero.
Kaugnay nito,
nagpapatuloy pa din sa pag-rescue ang mga awtoridad sa mga natirang hostages sa
loob ng tren.
Samantala,
inamin ng Baloch Liberation Army (BLA), isang grupo ng mga separatistang
militante, na sila ang may kagagawan sa insidente ng pag-atake ng tren at
nagpahayag na papatayin nila ang mga hostage kung may mangyayaring security
operation.
0 Comments