Mariing
tinanggi ng GoldMedalist, agency ni South Korean actor Kim Soo-hyun, na may
relasyon ang aktor sa namatay na aktres na si Kim Sae-ron at may planong gumawa
ng matibay na posibleng legal na aksyon kasunod ng alegasyon na sila’y magkarelasyon
ng anim na taon.
Pumanaw si
Saeron sa edad na 24 noong Pebrero 16 na sinasabing siya ay nagpakamatay, ayon
sa mga awtoridad.
Makalipas ang
ilang linggo, isang nagpakilalang tiyahin ng aktres ang lumantad at isiniwalat
na ang dating child actress ay may relasyon sa South Korean actor ng anim na
taon.
Sa isang
panayam, ibinunyag umano ng nagpakilalang tiyahin ni Saeron na nagsimula ang
relasyon ng aktres kay Soo-hyun noong ito’y 15-anyos at 27-anyos naman ang
aktor.
Nabanggit pa
ng umano’y tiyahin na tila pinabayaan ng GoldMedalist agency ang kinasangkutang
kaso ni Saeron noong 2022.
Pinabulaanan
naman ng GoldMedalist ang lahat ng mga paratang at sinabing walang basehan ang
mga alegasyon.
Sa kabila
nito, inihatid sa huling hantungan si Saeron noong Pebrero 19 na dinaluhan ng
mga kaniyang pamilya at malalapit na mga kaibigan.
Nakilala si
Saeron bilang isang award-winning child actress bago sumabak sa teen roles.
Taong 2022,
bumagsak ang kaniyang karera matapos masangkot sa DUI incident kung saan
bumangga ito sa ilang istruktura kung kaya’t napagdesisyunan nitong hindi
mag-renew ng contract sa GoldMedalist.
0 Comments