MAHIGIT ISANG LIBONG PRESYO, PINALAYA NGAYONG BUWAN NG MARSO

 


Pinalaya na nitong Marso ang kabuuang 1,058 na mga preso mula sa iba’t ibang kulungan at penal farms sa buong bansa, ayon sa Bureau of Corrections (BuCor).

Ayon kay Justice Undersecretary Deo Marco, inabisuhan nito ang mga dating PDLs na kinailangan nilang patunayan ang kanilang sarili at magtakda ng layunin sa panahon ng kanilang paglaya mula sa bilibid.

Binalaan pa nito ang mga nakalayang preso na hindi magiging madali ang pagtanggap sa kanila sa sosyodad sanhi ng kanilang nakaraan.

Kung kaya’t paalala nito sa kanila na matutong maging matatag, ituloy ang nasimulang pagbabago hanggang sa tuluyan silang matanggap ng mga tao.

Samantala, inaasahan na mas marami pang preso ang papalayain kung kaya’t hiling ng ahensya na gamitin sat ama ang ibinigay na ikalawang pagkakataon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog