Umani ng
pagkilala ang World Boxing Organization (WBO) Oriental super featherweight
champion na si Rodex “The Tank” Piala bilang “Boxer of the Month” nitong
Pebrero ng Games and Amusements Board (GAB).
Iginawad kay
Piala ang pagkilala kasunod ng pagpapatumba nito sa Chinese fighter na si
Yeerjialahasi Laayibieke na ginanap sa NUSTAR Resort and Casino sa Cebu.
Nakuha ni
Piala ang titulong WBO Oriental via unanimous decision sa isa sa mga
triple-header WBO title fights na ipino-promote ni Winley Dela Fuente ng OX KBDF
Gaming.
Samantala,
ang GAB ay isang regulatory body ng gobyerno para sa professional sports at
pagkilala sa mga mahuhusay na Pilipinong boksingero kada buwan.
0 Comments