LUXX WHITE NA NAKALAGAY SA KABAONG, VIRAL


Viral ang ‘final viewing’ ng Luxx White sa Frontrow headquarters dahil sa temang tila nasa isang lamay.

Sa larawan, makikita na nakalagay sa kabaong ang produktong Luxx White kung saan ang vibe ay namamahinga na.

Umani naman ito ng iba’t ibang reaksyon mula sa netizens sa kakaibang setup kung saan may ilan na natuwa at nalungkot sa produkto.


Sinundan naman ito ng isang billboard na may nakalagay na “Paalam, Luxx White” na nagdulot ng malawakang palaisipan sa ilang motorista at mga netizens.


Ayon sa Cinema Bravo, highlight mula sa “final viewing” ang emosyunal na testimonya at mensahe mula sa mga users at celebrities.


Nitong Marso 15, 2025 ay inanunsyo ng Frontrow Philippines na hihinto na ang Luxx White at hindi na mabibili.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog