Dead on
arrival sa ospital ang 4-na taong gulang na batang babae matapos itong patayin
ng sariling ina sa Cagayan de Oro City.
Sa ulat, itinanggi
pa nung ina ng bata na pinatay niya ang anak kung saan sinabi nito sa doktor na
nadulas lamang sa banyo ang bata. Ngunit, agad namang nagduda ang doktor lalo
na’t walang nakitang sugat sa biktima kung ito man ay nadulas.
Kinalaunan ay
inamin ng 25-anyos na ina ang krimeng ginawa sa anak at sinabing sinakal niya
ito dahilan ng pagkamatay ng bata.
Dagdag pa
rito, napagbalingan umano ng suspek ang bata sa galit nitong ilang araw nang
hindi nakakausap ang asawa na nasa Cebu City.
May
posibilidad din na napahamak sa kamay ng ina ang isa pa nitog anak na isang
taong gulang kung hindi agad nakita, ayon sa tiyahin ng biktima.
Dahil dito,
kasong parricide at paglabag sa Special Protection of
Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination (RA 7610) ang
kakaharapin ng suspek bunsod ng nangyari.
0 Comments