BATANG 10-ANYOS, UMANO'Y GINAHASA AT PINATAY



Natagpuang wala ng saplot pang-ibaba at basag na ang bungo ng isang 10-anyos na batang babae sa Lupi, Camarines Sur.

Sa ulat, isinama ng lola ang biktima sa pagtinda ng gulay nitong Sabado hanggang sa mawala ito.

Agad namang humingi ng saklolo ang lola upang hanapin ang bata.

Nakita naman sa CCTV ang biktima na kasama ng isang "trolley" driver, o mga padyak sa riles, na sinasakyan ng mag-lola kapag magtitinda.

Agad namang inaresto ang suspek at inamin nito ang ginawang krimen tsaka itinuro kung saan dinala ang bata.

Sinabi pa ng suspek na pinalo niya ng bato sa ulo ang biktima.

Hinala pa ng mga awtoridad na ginahasa ng suspek ang biktima matapos na wala na itong saplot pang-ibaba nang matagpuan.

Dahil dito, nakatakdang sasampahan ng reklamong rape with homicide ang suspek.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog