Nagbabala ang
City Health Office (CHO) at Amos Tara Community Center ukol sa mga kaso ng Human
Immunodeficiency Virus (HIV) kung saan mas tumataas pa ito at pabata ng pabata
ang nagkakaroon nito.
Sa ulat, itinala
na pinakabatang nagkaroon ng HIV ang isang 13-anyos sa Palawan sa pamamagitan
ng sexual transmission.
Maliban dito,
naka-record pa ang CHO ng 17 na mga kaso ng HIV sa mga kabataang may edad ng
hanggang 14-anyos sa Palawan.
Isa naman sa
pinakabatang nakakuha ng HIV ay ang bagong panganak na sanggol na nakuha nito sa
kaniyang ina.
Batay sa
datos, ang Puerto Princesa ang may pinakamataas na bilang ng HIV cases sa
rehiyon ng MIMAROPA kung saan naka-record ito ng 709 na kaso mula sa kabuuang
1,198 na kaso ng Palawan mula pa noong 1988.
Sa kabila
nito, kahit na mayroon nang inaalok na libreng HIV testing ay may mga residente
pa ding ayaw magpa-test.
Dahil dito, patuloy
na hinikayat ng City Health Office at Amos Tara Community Center ang publiko na
magpa-test at sumailalim sa mga proseso aupang maiwasan ang HIV lalo na’t libre
ito at mananatiling confidential.
0 Comments