Kinumpirma ni
Alynna Velasquez, longtime girlfriend ni Hajji Alejandro, na kasalukuyang
nakikipaglaban ang OPM icon sa sakit na colon cancer na nasa stage 4.
Ibinunyag pa
ni Velasquez na sumailalim kamakailan ang singer sa surgery at nagdurusa dahil
sa impeksyon ngunit ngayon ay nakauwi na sa kanilang tahanan.
Ayon kay
Velasquez, nasa Vigan sila ni Hajji nang makaramdam ng pagiging bloated ang OPM
singer at nahirapang huminga o kumain. Sumailalim ito sa CT scan at dito
nadiskubre na mayroon pala itong cancer na nasa stage 4 na.
Agad na
sumailalim si Hajji sa surgery at mga operasyon ngunit makalipas ang ilang araw
ay nagkaroon ito ng seizures kung kaya’t isinugod agad ito sa ICU dahil sa
impeksyon.
Nilinaw naman
ni Velasquez ang pagkalat sa kondisyon ni Hajji sa social media kung saan siya
ang sinisisi ng pamilya,
“The family
wanted it to be private and I respect it. Pero nung naging critical si Hajji, I
had to tell someone, I had to tell his best friend,” anito.
Subalit, sa
kabila ng paninisi na kaniya ng pamilya ni Hajji ay nagpapasalamat pa rin ito
dahil sa mga taong nagpaabot ng kanilang panalangin para sa OPM singer na
kaniyang pinaniniwalaang nakatulong sa paggaling nito.
0 Comments