Hindi na
matutuloy ang inaasam na kasal matapos na magising sa katotohanan ang groom
mula sa umano’y “gayuma” na ginawa sa kaniya ng bride.
Nag-viral ang
isang post ng wedding scam nang ilantad ng event organizers ang dapat na
wedding ceremony matapos na hindi nagpakita sa event ang mga bisita, judge at maging
ang couple.
“First time
in my life ay na scam man me sa bride”, dismayadong pahayag ng user.
Sa video,
makikitang ang bonggang pagkakaayos ng venue para sana sa reception ng couple
ngunit hanggang sa matapos ang inilaang oras ay wala pa ding katao-tao.
Umabot naman
sa halos P500,000 ang nagastos sa umano’y kasal na hindi pa nababayaran ng
bride.
Sa ulat, tinuloy
ng mga organizers ang sana’y wedding ceremony dahil pinangakuan silang
babayaran ng bride at sinabi pa nitong nauugnay siya sa mga pulitiko sa Davao na
inaasahang dadalo event ngunit huli na nila napagtanto na sila’y naloko.
Tila wala
namang kaalam-alam ang groom na siya’y ikakasal na dahil siya ay nagayuma.
Ikinuwento ng
coordinator ang nangyari kung saan noong umaga sa mismong araw ng kasal ay tila
wala sa huwisyo ang groom hanggang sa tila nahimasmasan umano nito mula sa
gayuma nang budburan siya ng asin ng asawa ng kaibigan.
Maraming
netizens naman ang naalarma at nagbahagi ng opinyon sa insidente kung saan
hindi sila naniniwala na ito’y panggagayuma lamang kundi isang uri ng panloloko.
0 Comments