Namatay na
ang isang cockpit teller sa Batangas matapos ang halos dalawang buwang
pagka-comatose sa Intensive Care Unit (ICU).
Kinumpirma ito
ni Brig.Gen. Paul Kenneth Lucas, Calabarzon police director, kung saan si
Emielle Hernandez na isang cockpit teller ng Mr. Nice Guy Cockpit Arena sa
Batangas ay biktima ng panggagahasa ng umano’y police vlogger.
Nakilala ang
police vlogger na si Staff Master Sergeant Timonthy Joseph Teejay Virtucio at
tinaguriang “Sayang ang Tattoo”. Siya ay nasa kustodiya ng Calabarzon police
upang isagawa ang kasong administratibo.
Matandaan na
nag-report sa pulisya ang biktima kasama ang asawa at abogado upang magsampa ng
reklamong panggagahasa laban kay Virtucio.
Ayon sa
pahayag ng mister ng biktima dinala niya ang kanyang misis sa iba’t ibang
ospital sa Lemery mula noong Disyembre 26 dahil sa hindi magandang pakiramdam
nito.
Gayunpaman,
nang makausap niya ang isang psychiatrist sa Mary Mediarix Hospital sa Lipa
City, ibinunyag niya na umano nirape siya ng isang pulis. Sinabi
niya na pinainom siya ng sex drugs bago siya ginahasa sa isang palayan ng
suspek sa Bgy. Banay-Banay, Lipa City.
0 Comments