CHINESE NATIONAL NA NAG-VIRAL SA PAGPATAY SA PUSA, NAKATAKDANG IPA-DEPORT NANG MADISKUBRENG ITO'Y OVERSTAYING SA BANSA

 


Nadiskubreng “overstaying” na pala sa bansa ang isang Chinese national na nag-viral matapos patayin ang isang pusa sa Makati City.

Kinilala ang Chinese national na si Jiang Shan, 32-anyos at dumating sa bansa bilang turista noong Mayo 2023.

Ayon sa Bureau of Immigration, nabigong magpa-extend ng kaniyang visa si Jiang matapos itong mag-expired noong Setyembre 2023.

Nang siya’y arestuhin, wala din siyang maipakitang valid immigration na mga dokumento.

Agad naman siyang ikinustodiya at inilipat sa kulungan sa Bicutan, Taguig City habang hinihintay ang kaniyang deportation.

Nag-viral si Jiang matapos na makunan ito ng video na sinisipa ang nagpapahingang pusa hanggang sa ito’y namatay sa Ayala Triangle Gardens.

Maraming netizens ang nagalit at kinondena ang ginawang pananakit ni Jiang sa pusa.

Lumalabas din sa mga report na naging arogante si Jiang at tumangging magbigay ng kaniyang mga detalye sa ilang concerned citizens sa lugar.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog