Umakyat sa
1,644 ang naitalang patay sa nangyaring 7.7-magnitude na lindol sa Myanmar
nitong Biyernes.
Naging
pahirapan ang pagkumpirma ng mga casualty dahil sa malawakang sakop na apektado
ng lindol.
Maliban sa
nai-record na death toll, umakyat din ang bilang ng mga sugatan sa lindol sa
3,408.
Kaugnay nito,
naapektuhan din ng lindol ang katabing bansa nito na Thailand kung saan labis
na tinamaan ang pinakasentro na mayroong nasa 17-milyong katao at nakapagtala
ng sampung patay.
Mula sa
naturang bilang, siyam sa mga ito ay naroon sa bumagsak na mataas na gusaling
naka-under construction malapit sa Chatuchak market ng Bangkok.
Sa ngayon ay
wala pang impormasyon kung mayroong napabilang na Pilipino sa casualty.
0 Comments