BYAHE NG EROPLANO, NAANTALA DAHIL SA BOMB JOKES

 


Naantala ang byahe ng eroplano mula sa Manila patungong Bohol matapos na magbiro ang dalawang pasahero na mayroong bomba.

Ayon kay Bea Bernardo, Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) information officer, ipinaalam ng isang flight attendant ang mga piloto na narinig nito sa dalawang pasahero na mayroong lamang bomba ang kanilang luggage.

Agad namang humiling ng agarang clearance mula sa pasahero ang mga piloto matapos malaman ang naturang impormasyon.

Matapos ang ginawang pag-inspeksyon ng mga miyembro ng CAAP security and intelligence ay wala namang natagpuang bomba sa lahat ng bagahe.

Halos isang oras namang naantala ang byahe ng Cebu Pacific flight dahil sa nangyaring “bomb joke”.

Ikinustodiya naman ang dalawang pasahero sa pulisya.

Samantala, paalala ni Bernardo sa publiko na isang seryosong pagkakasala ang bomb jokes sa ilalim ng Presidential Decree 1721. Sinuman ang salarin ay mapaparusahan ng pagkakakulong at multa ng hanggang P40,000.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog