Patay ang
sanggol na isang buwan pa lamang nang ito’y isilang matapos atakehin ng dachshund dog na alaga ng pamilya sa
Siberia, Russia.
Ayon sa report,
natutulog ang mga magulang ng sanggol sa kabilang kwarto nang inatake ng
kanilang alagang aso ang bata sa loob ng kuna na natutulog.
Huli na nang madiskubre
ng nanay nito na napuno ng kagat ang anak nito dahilan ng pagkamatay ng
sanggol.
Sinasabing
iniwang nakatali ang alagang aso dahil sa takot ng mga magulang ngunit nung
gabi na nangyari ang insidente ay nakalimutan ng tatay na matali ang aso.
Kamakailan,
ang 8-anyos na aso ay naging agresibo sa mga matatandang may-ari hanggang sa naisilang
ang ikalawang sanggol ay mas lalo pa itong naging agresibo.
Naintindihan naman
ng mga magulang ang panganib na dala ng alagang aso kung kaya’t pumayag silang
i-euthanize ito.
Samantala,
naglunsad naman ang mga imbestigador ng isang kriminal na kaso para sa "causing
death by negligence".
0 Comments