13 PATAY SA PAGBAGSAK NG EROPLANO SA HONDURAS


 

Patay ang nasa 13 katao nang bumulusok sa dagat ang maliit na eroplano habang papaalis mula sa Honduran resort island.

Ayon sa ulat, kabuuang 18 katao ang sakay ng Lanhsa Airlines plane na umalis nitong Lunes sa Roatan, isa sa mga pangunahing tourist destination sa gitnang America, patungo sa mainland.

Sinasabing nawalan ng engine power ang naturang aircraft dahilan na bumulusok ito sa dagat.

Isa namang mangingisda ang muntikan ng madamay habang ito’y nangingisda sa dagat nang mapansin ang pagbulusok ng eroplano.

Napag-alaman na ang mga namatay ay mga Hondurans habang maswerteng nakaligtas naman ang limang katao na na-rescue mula sa dagat.

Samantala, nananatiling suspendido muna ang operasyon ng Roatan International Airport dahil sa nangyari.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog