ZACK TABUDLO, PUMIRMA SA MERCURY RECORDS


 

Opisyal nang sasabak sa pang-international ang karera ng Filipino singer-songwriter na si Zack Tabudlo.

Ito’y matapos opisyal na pumirma si Zack sa isa sa mga pinakamalaking American record labels na Mercury Records.

Makakasama ni Zack ang ilang sikat na personalidad sa Hollywood tulad nina Zayn Malik, Post Malone, Jeremy Zucker, Stephen Sanchez, at iba pang mga artists na sina Morgan Wallen, Noah Kahan, Dayglow, Bo Burnham, Lord Huron, Stephen Sanchez, at Fil-Am artist Lyn Lapid.

Sa post ng singer sa Instagram, inilahad nito ang mga pinagdaanan bago maabot ang hangad na makapasok sa Mercury Records.

Kasabay ng kaniyang anunsyo, nagpahiwatig din ito sa mga tagahanga ng panibagong gagawing kanta.

Si Zack ay nakilala sa mga sumikat nitong kanta na Binibini, Pano, Habang Buhay, Nangangamba, Give Me Your Forever, at Yakap.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog