Mananatiling prayoridad ng administrasyong Marcos ang
pababain ang presyo ng mga bilihin, ayon kay House Speaker Martin Romualdez.
Ito’y matapos nadiskubre na nanganganib pa din ang
ekonomiya ng Pilipinas dahil sa pagtaas ng inflation rate.
Sa pinakabagong datos, bagama’t nananatili sa 2.9% ang
inflation nitong Enero 2025, umakyat naman sa apat na porsyento ang inflation
sa pagkain na sumasalamin sa kahinaan ng suplay sa bansa.
Batay sa Moody’s Analytics, isa sa mga dahilan nito ay
ang pandaigdigang alitan sa kalakalan at mga hamon sa loob ng bansa tulad ng
hindi inaasahang bagyo na nakakaapekto sa produksyon sa agrikultura.
Binigyang-diin naman ni Romualdez na sa kabila ng
nakikitang solusyon sa short-term shortages ay hindi pa rin ito sapat na
mapunan ang long-term food security na nakadepende pa din sa pag-boost ng domestic
agricultural production.
Dahil dito, kinailangan aniya na mag-invest ang bansa sa
modernization ng agrikultura mula sa pagpapatibay ng biosecurity sa pagpapalago
ng mga hog raisers.
0 Comments