BARON GEISLER, INARESTO DAHIL SA SOBRANG KALASINGAN

 


Arestado ang isang kilalang aktor matapos na mag-amok nitong Sabado sa Psalm St., H. Abellana, Brgy. Canduman, Mandaue City.

Kinilala itong si Frederick Von Baron o mas kilala bilang si Baron Geisler.

Sa ulat, nag-iinuman sina Baron kasama ang mga biyenan nito sa kanilang bahay hanggang sa ito’y nalasing. Dahil sa kalasingan, dito na siya nag-umpisang magtapon ng kung ano-ano at nagsisigaw.

Humiling naman ang bayaw nito na tumawag ng pulis kung kaya’t ikinustodiya ang aktor sa Canduman Police Station.

Ngunit, nakalaya din ito matapos magbayad ng P500 bilang multa sa paglabag sa City Ordinance C.O. 11-2008-434 (Drunkenness) sa City Hall.

Humingi din ito ng pasensya sa pulis at pamilya nito sa nagawang gulo.

Nabatid na ang 42-anyos na aktor ay ikinasal sa isang Cebuana na residente ng Barangay Canduman, Mandaue City. Isa rin siya sa mga lead stars ng Netflix hit series na “Incognito”.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog