Nagbabala ang nanay ni Kathryn Bernardo sa mga tagahanga
na huwag maniwala sa fake news na kumakalat sa social media.
Ito’y kasunod ng inilabas na pahayag ni Christian Gaza,
isang social media personality, ukol sa umano’y pagkakabalikan ng dating
magkarelasyon na sina Kathryn at ex-boyfriend nitong si Daniel Padilla.
Ayon kay Gaza, may komunikasyon umano ang dalawa at nagkikitang
muli matapos ang hiwalayan ngunit hindi pa matukoy kung nagbalikan ang mga ito.
Bagama’t hindi nabanggit ng nanay ni Kathryn ang
tinutukoy nitong “fake news”, may posibilidad na ito’y tungkol sa kaniyang anak
at personal nitong buhay.
Wala pang komento sina Kathryn at Daniel ukol rito.
Matatandaang kinumpirma ng dalawa ang kanilang hiwalayan
noong Nobyembre 2023 matapos ang halos 11 taong magkarelasyon. Hindi din
isiniwalat ang dahilan ng kanilang hiwalayan.
0 Comments