Posibleng isang kaso ng “pregnancy denial” ang nangyari sa
walang kamuwang na sanggol na itinapon sa bintana ng isang hotel sa Paris,
France.
Ayon sa prosecutor’s office ng Paris, may umbilical cord
pang nakakabit sa sanggol nang ito’y itapon sa bintana ng ikalawang palapag ng
isang hotel sa naturang lugar.
Binigyan pa ng emergency care ang sanggol ngunit bigo din
itong makaligtas.
Napag-alaman na isang 18-anyos na American student ang
nanay ng sanggol at nanganak sa isang kwarto sa ikalawang palapag ng hotel
tsaka ito itinapon sa bintana.
Pinaniniwalaan ding parte ng isang grupo ng mga young
adult na bumabyahe sa Europe ang nanay.
Dinala naman sa ospital ang nanay ng sanggol upang
isailalim sa gamutan kasunod ng panganganak nito.
Samantala, ikinustodiya na ng mga pulis ang nanay habang
nagpapatuloy pa ang imbestigasyon.
0 Comments