2 PINOY, INARESTO SA HONG KONG MATAPOS GUMAMIT NG PEKENG DOKUMENTO SA PAG-WITHDRAW NG HANGGANG $10 BILYON

 


Inaresto ng mga awtoridad sa Hong Kong ang dalawang Pinoy matapos umanong mag-withdraw ng hanggang $10-bilyon mula sa isang HSBC bank gamit ang pekeng dokumento.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), sinampahan ng “uttering forged documents” ang dalawang Pinoy.

Bumalik sa Pilipinas ang isa sa mga suspek na 38-anyos na Pilipinas matapos na makapagpiyansa.

Ngunit, kinailangan pa din nitong bumalik sa Hong Kong sa Marso 12, 2025 upang kaharapin ang isinampang kaso.

Habang, nananatiling arestado ang isa pang suspek na 68-anyos na Pilipino sa Hong Kong matapos makitaan ng mga senyales ng dementia kung kaya’t humiling na ng buong medical examination ang Philippine Consulate sa Hong Kong para sa naturang suspek.

Siniguro naman ng ahensya na mayroong itatalagang public laywer ang Hong Kong, ngunit sinabi ng DFA na pinayagan ang Philippine Consulate na mag-hire ng private lawyer kung kinakailangan.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog