Posible pa lang gamitin na panangga sa radiation ang abo
na binubuga ng bulkan, ayon sa grupo ng mga mananaliksik mula sa Ateneo de
Manila University at National University-Mall of Asia campus.
Pahayag ng Ateneo's research communications section sa
isang press release, ang radiation shielding ay napakahalaga sa mga ospital,
industrial sites, at nuclear facilities. Ang mga lugar na ito ay gumagamit ng
ionizing radiation na makakatulong sa mga doktor na magamot ang organs na may
deperensya at nabaling buto, naghahanap ng mga kahinaan sa istruktura sa mga
gusali, o tumutulong na mag-sterilize ng pagkain para tumagal.
Bagama’t malaking tulong ang ionizing radiation, ang
pagkaka-expose rito ng matagal ay may kaakibat na masamang epekto kung kaya’t
kinakailangan ang shielding.
Sinabi ng World Health Organization na ang pagkaka-expose
sa ionizing radiation ay maaaring maging dahilan ng pagkakapinsala sa balat at
dugo, katarata, infertility, birth defects at cancer.
Dahil dito, nadiskubre ng mga researchers ang matapang na
radiation attenuation properties mula sa abong ibinuga ng isang bulkan dahil sa
taglay nitong iron-rich minerals.
Sa kabila nito, saad ng Ateneo na kinakailangan pang
magsagawa ng ilang pag-aaral rito upang maging pino ang tibay ng materyal at
ma-optimize ang shielding performance nito.
0 Comments