PRESYO NG ESSENTIAL PRODUCTS, TATAAS - DTI

 


Magpapatupad ng pagtaas sa presyo sa 60 essential products ang Department of Trade and Industry (DTI) ngayong buwan bunsod ng pagmamahal din ng presyo ng mga raw materials nito.

Ayon sa DTI, kabilang sa mga magtataas ang presyo ang mga kandila, baterya, gatas, meat loaf, sardinas, Pinoy Tasty, at pandesal.

Dagdag pa ng DTI na ang price adjustments ay mula sa 2% hanggang 9% alinsunod na din sa kahilingan ng ilang manufacturers matapos ang mahigit isang taong pagpapanatili ng presyo nito.

Nakatakda namang ilalabas ang updated na suggested retail price (SRP) bulletin sa Huwebes.

Sa kabila nito, siniguro ng DTI na kakaunti lang ang magiging epekto nito sa inflation lalo na’t tanging 62 stock-keeping units (SKUs) mula sa libo-libong consumer goods ang apektado.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog