Napakagandang mga oportunidad ang naghihintay sa isang
anak ng tricycle driver dahil sa 30 mga paaralan sa United Kingdom at United
States ang pagpipilian nito matapos siyang matanggap.
Si Julian Martir, ang pinakabata sa apat na magkakapatid
na nabuhay sa isang payak na pamumuhay kung saan nagtatrabaho bilang drayber ng
traysikel ang kaniyang ama habang nagtitinda naman ang kaniyang ina.
Sa 30 paaralan na tumanggap kay Martir ay kabuuang
$1.9-milyon o humigit-kumulang P106-milyon na scholarship ang matatanggap nito
mula sa mga eskwelahan.
Ilan sa mga paaralang tumanggap kay Martir ang Ohio
Wesleyan University, Clarkson University, Hofstra University, Marquette
University, Alfred University, Xavier University, Duquesne University, DePaul
University, Regis University, Simmons University, Woodbury University, The
University of Texas at Arlington, New Jersey Institute of Technology, Webster
University, Ball State University, University of Massachusetts Dartmouth,
University of Connecticut, The George Washington University, Fordham
University, Kent State University, Michigan Technological University, The
University of Arizona, The University of New Hampshire, Drexel University,
Johnson and Wales University, University of Massachusetts Boston, Stony Brook
University, the University of Colorado Boulder, Clemson University, at
Richmond, The American International University in London.
Sa kabila ng mga hamon na kaniyang pinagdaanan upang
makapasa ng mga requirements sa mga paaralan abroad ay hindi naging hadlang ang
hirap ng buhay upang ipagpatuloy ang kagustuhan nitong makapag-aral abroad.
0 Comments