VIRAL AYUDA VIDEO, BINATIKOS NG MGA NETIZEN

 


Umani ng kaliwa’t kanang batikos mula sa netizens ang isang Facebook reel na nag-viral matapos i-flex ng isang babae sa video ang suot nitong tila mamahalin habang tumatanggap ng ayuda mula sa gobyerno.

Ibinida sa viral video ang pagkakaroon ng naturang babae ng mga mamahaling gamit tulad ng aircon, branded bag collections, nail extension, AirPods, at portable fan.




Ngunit, umalma ang mga netizens dahil sa kabila ng pagkakaroon ng mga mamahaling gamit ay tumatanggap pa din ito ng ayuda mula sa gobyerno.



Kinuwestyon din ito ng mga taxpayers dahil hindi naman anila napupunta sa mga itinuturing na “poorest of the poor” ang perang kanilang ibinabayad sa tax.

Maging ang pagkakaroon ng patas at integridad sa sistema ng pamamahagi ng tulong-pinansyal.

“To the Philippine government: This viral video makes us wonder, asa na ang atong buwis? It shows someone with things like aircon, bag collections, nail extension, AirPods, and a fan getting AYUDA?!!,” saad sa post.

“Many Filipinos work hard and pay taxes. We expect our money to go to those who are really struggling, like those who can't afford food or medicine. Seeing this video makapangutana gyud ta unsa nman ni? Is this the best way to use our money?,” dagdag pa nito.

Binigyang-diin ng netizen na hindi siya tutol sa pagtulong kundi nais lamang nitong matiyak na napupunta sa tamang tao ang ibinabayad na buwis.

“We want transparency and accountability. We want a system that helps people get back on their feet, not just a temporary hinabang. We, as taxpayers, deserve to know that our money is being used wisely,” aniya.

Hindi naman nabanggit sa viral ayuda video kung saang assistance program ito nabibilang.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog