KALADKAREN AT ASAWANG BRITON, NAGKAKALABUAN NGA BA?


 

Palaisipan sa mga netizen ang pag-post ni KaladKaren sa TikTok matapos makitang nag-e-emote habang nili-lip sync ang cover song ni KristyLee ng kantang "We Can't Be Friends" ni Ariana Grande.

Hinala ng ilan na baka ito’y hiwalay na sa asawang Briton na si Luke Wrightson.

Lalo na’t ang verses sa kanta na ginamit nito ay tungkol sa biglaang pag-alis ng taong kaniyang minamahal.

Narito ang verse ng kanta:

I saw it coming, I still cried. I thought when you left, you'd leave my mind.

No, I don't want hate you, but you chose your pride.

When I needed a hug, you held the knife. But I still wish we had more time.

It must be crazy, right?

Inulan naman ng iba’t ibang komento mula sa mga netizens ang naturang TikTok video ng TV personality kung saan marami ang nagulat at nag-aalala sa estado ng relasyon nito sa asawang si Luke.

“Ma, ayusin mo to, nag-ooverthink na kaming lahat dito,” saad ng isang netizen.

Comment naman ng isa, “Anong nangyayari sa earth. Content lang naman ito mah no?”

Napansin din ng ilang netizens na wala na umano ang mga wedding pictures nina KaladKaren at Luke sa kanyang Instagram page.

Matatandaang ikinasal si KaladKaren kay Luke noong Setyembre 8, 2024 sa Scarborough, United Kingdom matapos ang halos 12-taong pagsasama.

 

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog