Ligtas na ang batang 14-anyos na Chinese matapos itong
dukutin at inabandona sa gilid ng kalsada sa Parañaque City nitong Martes.
Ayon sa awtoridad, naiulat na nawawala ang bata nitong
Pebrero 20 matapos itong hindi nakauwi mula sa isang school activity.
Agad namang naglunsad ng hot pursuit operation ang mga
awtoridad mula sa pinagsamang-pwersa ng Philippine National Police Anti-Kidnapping
Group (PNP-AKG), Armed Forces of the Philippines (AFP), at ng National Capital
Region Police Office (NCRPO).
Limang araw matapos ang pag-kidnapped sa bata, natagpuan ito
na inabandona sa kahabaan ng Macapagal Avenue, Parañaque City.
Naibalik na sa tatay nito ang bata at tsaka dinala sa ospital
para isailalim sa medical examination.
Sa kabila nito, sinabi ng PNP na walang binayad na ransom
sa pagkakaligtas sa bata.
Sa ngayon ay patuloy pa ang imbestigasyon ng awtoridad sa
nasabing kaso at tinutugis na ang mga taong nasa likod ng kidnapping.
0 Comments