SUSPEK, TINANGKANG BARILIN ANG SARILI NGUNIT HINDI TUMAGOS ANG BALA SA NOO

 



Sakit ng ulo ang napala ng isang suspek matapos nitong barilin ang sarili nang aarestuhin na ito ng mga awtoridad sa Cebu.

Sa ulat, inireklamo ang 27-anyos na suspek dahil sa panggagahasa sa kaniyang stepdaughter. Nang aarestuhin na siya ng mga awtoridad ay pinaputukan nito ang sarili ngunit hindi tumagos sa kaniyang bungo ang bala at tuluyan ding naaresto.



Naiwan naman ang bala na nakatusok sa noo nito dahilan na agad siyang dinakip at dinala sa ospital upang maalis ang bala sa noo nito.

Ayon sa kapulisan, inamin ng suspek ang ginawang krimen laban sa stepdaughter at ang tangkang pagkakamatay.

Dahil dito, mahaharap sa kaukulang kaso ang suspek.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog