Nakasuot lang naman kasi ang actor at rapper ng isang black
suit. At naging agaw-pansin ang headdress nitong miniature black house.
Kasabay ni Jaden na dumalo sa Grammys red carpet ang
kapatid nitong si Willow Smith na nominado para sa dalawang Grammys.
Sina Willow at Jaden Smith ay anak ni Will Smith, isang American actor, rapper at film producer.
Maliban sa magkapatid na Smith, naging agaw-pansin din sa
red carpet ng Grammys ang mag-asawang Kanye West at Bianca Censori.
Tila maiisip mong tinipid ang suot ng asawa ni Kanye
dahil rumampa lang naman itong hubo’t hubad at tanging see-through sheer lang
ang suot nito.
Habang si Kanye ay casual na naka-all black shirt na naka-tucked
in sa black pants nito.
Kahit na nominado si West para sa isang 2025 Grammy, ang
mag-asawa ay iniulat na umalis ilang sandali pagkatapos ng red carpet at tila
para isang stunt lamang ang kanilang palabas sa red carpet.
Samantala, nakatakda namang magsisimula ngayong araw ang
ika-67th Annual Grammy Awards.
0 Comments