Patay na ng matagpuan ang South Korean actress na si Kim Sae-ron sa tinitirhan nito sa Seongdong District, eastern Seoul.
Bandang 4:54 ng hapon nitong Pebrero 16, 2025, namataan na may planong makipagkita pa ang aktres sa kasama nito.
Agad namang rumesponde sa bahay ni Kim ang mga opisyales ng Seoul Seongdong Police Precinct matapos makatanggap ng report mula sa kasama nitong hindi sumipot sa kanilang meeting place ang aktres.
Bagama't hinala ng ilan na mayroong nangyaring foul play, pinabulaanan naman ito ng mga awtoridad at nagpapatuloy pa ang imbestigasyon sa pagkamatay ng aktres.
Si Kim ay nakilala bilang child actress at bumida sa ilang Korean drama series tulad ng Hi! School-Love On, Bloodhounds, The Man from Nowhere, at A BrandNew Life.
0 Comments