PRESYO NG SIBUYAS, UMAKYAT SA P250/KILO



Umabot na sa P250 per kilo ang presyo ng sibuyas kasunod ng hinaing ng mga grupo ng magsasaka sa Department of Agriculture (DA) sa pag-aangkat nito sa gitna ng pagsisimula ng panahon ng ani.

Inaasahan na darating sa bansa ang inangkat na mga sibuyas sa Pebrero 20 habang nagsisimula na ang anihan ng mga ito sa bansa at inaasahang tataas sa Marso at Abril.

Ayon kay Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr., inaprubahan nito ang pag-angkat ng nasa 3,000 metric tons ng pulang sibuyas at 1,000 MT ng puting sibuyas upang maiwasan ang patuloy na pagtaas ng presyo nito.

Samantala, inilarawan ng mga magsasaka ng sibuyas ang desisyon na mag-import ng mga sibuyas bilang isang "double whammy" dahil ang mga plantasyon sa Nueva Ecija ay inaatake ng mga armyworm.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog