62,000 NA MGA LAPTOPS AT SMART TVs, IPAPAMAHAGI SA MGA PUBLIC SCHOOLS SA BANSA


 

Nakatakdang ipapamahagi ng Department of Education (DepEd) ang nasa 62,000 na mga laptop at smart TV packages sa mga pampublikong paaralan sa 16 na mga rehiyon sa bansa.

Aabot naman sa P1.8-bilyon ang halaga ng mga ito bilang parte ng computerization program.

Batay sa datos ng DepEd ngayong buwan, nasa 23,614 smart TV packages, 33,539 laptops para sa mga guro at 5,328 laptops para sa non-teaching personnel na ang nakuha ng ahensya.

Habang, ang Calabarzon, Western Visayas at Eastern Visayas naman ang nakatanggap ng pinakamataas na alokasyon para sa school technology equipment.

Ayon kay Education Secretary Sonny Angara, layunin nilang magkaroon ng ‘e-cart’ o roving computer lab ang bawat paaralan na gagamitin ng mga estudyante.

Magbibigay din ang ahensya ng iba’t ibang software tools na magiging katuwang ng mga guro.

Umaasa ang pamunuan ng DepEd na ang pamamahagi ng mga laptop ay makakatulong sa mga estudyante na mas ma-enhance ang kanilang pag-aaral.

 

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog