Patay ang isang turistang Russian matapos nitong mabangga
sa isang bato at mahulog sa tren.
Ayon sa ulat ng Sri Lanka, sakay ng Podi Menike rail line
si Olga Perminova nang sinubukan nitong mag-selfie sa footboard ng tren.
Saklaw ng naturang tren ang 300km-long scenic na ruta sa
pagitan ng Colombo Fort at Badulla.
Sa gitna ng pag-awra ni Perminova ay biglang tumama ito
sa bato at nahulog sa tren.
Nilapatan pa ng paunang-lunas ang Russian tourist bago iniulat
ang pagkamatay nito sa ospital dahil sa natamong sugat sa ulo.
Bago pa man ang insidente, ilang mga larawan ni Perminova
ang ipinakita kung saan nakasuot ito ng pink dress at nakasabit sa footboard ng
tren.
Napag-alaman na parte ng isang Russia tour group sa Sri
Lanka si Perminova.
0 Comments