PAMET, IPINAGTANGGOL ANG PAG-AASKUSANG "FAKERY" KAY YLLANA ADUANA BILANG "SCIENTIST"

 


Ipinagtanggol ng Philippine Association of Medical Technologies (PAMET) ang kandidata ng Miss Universe Philippines 2025 na si Yllana Marie Aduana na binabatikos dahil sa malayang paglalarawan sa kaniya bilang “scientist”.

Inakusahang “fakery” ng isang content creator ang medical technologist na si Aduana sanhi ng madalas nitong "inaangat" ang sarili bilang isang scientist.

Sa pahayag, nanindigan ang PAMET na ang kanilang propesyon ay itinayo sa isang scientific expertise, rigorous education, at specialized training.



Dagdag pa rito, ang titulong “Medical Laboratory Scientist” ay hindi self-proclaimed kundi kinikilala ito sa international na sumasalamin sa napakahalagang papel ng mga ito sa healthcare.

Ipinaliwanag pa ni Luella Vertucio, PAMET National President, na ang kanilang propesyon ay nangunguna sa laboratory diagnostics kung saan sinisuguro ang tiyak at saktong resulta na magiging gabay sa desisyong medikal at kapakanan ng pasyente.

Aniya pa, lumalabas na tila kawalan ng respeto ang naturang komento sa libo-libong mga medical technologist na ibinuhos ang kanilang buhay na panindigan ang mataas na standards ng laboratory science.

Nanawagan pa si Vertucio sa naturang content creator na mag-isyu ng clarification at apology sa isang misleading na pahayag na nagpapababa sa halaga ng Medical Laboratory Scientists sa healthcare system.

Ngunit, nanatili namang matatag ang content creator.

“I wanted to keep mum because I couldn’t wrap my head around the fact that this group of seemingly scientific and analytical individuals would NEED AN APOLOGY, A VALIDATION AND A PUBLIC DECLARATION OF THEIR RIGHTFUL PLACE IN SCIENCE AND SOCIETY FROM A PAGEANT VLOGGER,” anito.

“Maintindihan ko sana kung political vlogger ako or big celebrity. Pero Tita Lavinia? Ayokong pumatol because the candidate is incompetition. Sobrang aga pa wala pang 2 weeks. Bakit naman ako mamemersonal sa kandidatang kabago bago pa lang sa competition?,” dagdag pa ng content creator.

“As far as being cancelled, how can I make you understand and I mean this in the purest sense: Lakompake. Not to be mean or haughty pero latalagakongpake,” patuloy nito.

Si Aduana ay kinatawan ng Siniloan, Laguna sa 2025 Miss Universe Philippines at kinoronahang Miss FIT (Face, Intelligence, Tone) Philippines noong 2021 at Miss Philippines Earth 2023.

Naging kalahok din siya sa 2022 Binibining Pilipinas.

Noong 2023, inirampa ni Aduana ang Pilipinas sa Miss Earth 2023 sa Vietna at naiuwi ang titulong Miss Earth-Air matapos na maging second runner-up.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog