Nilinaw ni Kris Aquino na hindi pa siya maaaring bumalik
sa trabaho dahil sa timbang nitong 37 kilos o 82 pounds na nangangahulugang
siya ay underweight.
Sa inilabas nitong update tungkol sa kaniyang kalusugan,
sinabi niyang mayroon siyang kinakaharap na panibagong health issue na
makakaapekto sa pagbabalik nito sa trabaho,
“I haven’t posted anything because I didn’t want all
those praying for me to feel sad and lose the faith. May I clarify? I’m not yet
‘fit to work’ because I’m very underweight [at] 37 kilos/82 pounds,” saad ng TV
host.
Makikita din sa post ni Kris ang larawan nitong nakahiga
sa kama at nakapalibot sa kaniya ang anak na si Bimby at ang ilang mga bisita na
sina Kim Chiu at Miles Ocampo.
Nitong nakaraan, ibinunyag ni Kris na maliban sa
pinahayag nitong anim na autoimmune diseases ay mayroon pang nadagdag na health
issues.
Nakakaranas ang TV host ng mga sintomas ng Polymyositis
at mixed connective tissue disease.
Ayon sa Johns Hopkins Medicine, ang Polymyositis ay isang
disease na nagiging dahilan ng pagkakairita at pamamaga ng mga muscles kung
kaya’t nahihirapan ang isang indibidwal na mayroon nito na makagalaw.
Sa kabila nito, sinabi pa ni Kris sa kaniyang post na
wala siyang karelasyon sa ngayon.
Matatandaang bumalik ng Pilipinas si Kris nitong
nakaraang taon matapos ang halos dalawang taong pagpapagamot sa United States.
0 Comments