Sinentensyahan ng 11-taong pagkakakulong ang isang punong-guro
ng isang pampublikong paaralan sa Virac, Catanduanes matapos ang umano’y
falsification ng mga pampublikong dokumento at pangungupit ng P5,000 sa pondo
ng gobyerno.
Batay sa desisyon ng Sandiganbayan ng Virac Regional
Trial Court (RTC) Branch 42, napatunayan na si Anchelita Sicio ng Taytay
Elementary School ay nagkasala sa malversation at falsification alinsunod sa
Revise Penal Code (RPC).
Hinatulan si Sicio ng apat na buwan at isang araw
hanggang tatlong taon, anim na buwan at 21-araw na pagkakakulong sa salang malversation
ng anti-graft’s Seventh Division.
Dagdag pa rito, pinatawan siya ng multang P5,000 sa
disqualification sa pampublikong opisina.
Karagdagan pang P5,000 na multa ang ipinataw kay Sicio sa
civil liability o katumbas ng halaga ng public funds na kaniyang kinuha.
Mula sa unang hatol ng korte ay muli itong binago at
ginawang anim na buwan at isang araw hanggang 8-buwan at isang araw na
pagkakakulong.
Nagpataw din ang korte ng multang P3,000 laban sa akusado.
Sa record ng korte, pineke ni Sicio ang ilang sales
invoice kung saan pinalabas nitong bumili ang eskwelahan ng 28 sako ng semento
na nagkakahalaga ng P7,000 at tanging walong sako na nagkakahalaga ng P2,000 lamang
ang nabili.
Samantala, ipinahayag pa ng Seventh Division na bigong
ipakita ni Sicio sa korte ang nawawalang P5,000 na bahagi ng financial
assistance na pondo para sa eskwelahan mula sa provincial government ng
Catanduanes.
0 Comments