ILANG ESKWELAHAN, NAGKANSELA NG KLASE SA PEBRERO 25

 


Nag-anunsyo ng suspensyon sa klase ang ilang mga institusyon ng edukasyon kabilang na ang mga unibersidad at eskwelahan sa Pebrero 25 bilang selebrasyon sa anibersaryo ng EDSA People Power Revolution.

Ito’y kasunod ng deklarasyon ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na isang special working day ang Pebrero 25 base na din sa listahan ng 2025 holidays na inilabas nitong nakaraang taon.

Isa sa mga nagkansela ng klase ang University of Santo Tomas at humikayat sa mga estudyante nitong makilahok sa mga aktibidad bilang pag-alala sa nangyaring rebolusyon.

Ayon sa UST, ang pagdiriwang sa EDSA People Power Revolution ay nagpapaalala sa pagkakaisa, katapangan, at mapayapang aksyon ng mga Pilipino.

Gayundin, nagkansela din ng klase sa naturang araw ang De La Salle University at nag-organisa ng “Alternative Learning Day”.

Maging ang mga miyembro ng EDSA Ortigas Consortium of Schools (EDSOR Consortium) na kinabibilangan ng Immaculate Conception Academy, La Salle Green Hills, Saint Pedro Poveda College, at Xavier School ay nag-anunsyo din ng pagsuspendi ng klase sa Pebrero 25.

Matatandaan noong 2023, ni-reschedule ng Pangulo ng mas maaga ang selebrasyon ng EDSA People Power Revolution upang bigyang oportunidad ang mga kababayan na magkaroon ng mahaba-habang bakasyon.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog