Inisyuhan ng ‘red alert’ ang lahat ng 1.8-bilyong users
ng Gmail ukol sa scam na nagbibigay-daan sa mga hacker na mapasok ang mga
account.
Gumagamit ang mga scammer ng AI upang gumawa ng ‘deepfake’
na robocalls at malicious emails na may kakayahang ma-bypass ang security
filters.
Ang pag-atake ay nagsisimula sa pagkakatanggap ng tawag
ng mga user upang ipaalam na mayroong suspicious activity na nangyayari sa
kanilang account at tsaka sinasabihan na may matatanggap silang email na
nakapaloob ang mga hakbang upang masolusyunan ang isyu.
Kasama sa emal ang isng pekeng website na may
pagkakapareho sa Google na mag-uutos sa mga user na ilagay ang kanilang login
credentials.
Ayon sa mga eksperto, hindi lang Gmail account ang makokompromiso
dahil maging ang ibang serbisyo na konektado sa platform ay bukas din sa mga
hackers.
Dahil dito, nagbabala ang mga cybersecurity expert na
huwag basta-bastang mag-click ng mga links o mag-download ng files mula sa
hindi inaasahang emails o messages. Pati na ang iwasan din ang paglalagay ng
personal na impormasyon sa website maliban na lang kung ito’y 100% na lehitimo.
0 Comments