PULIS SA PERU, NAKA-COSTUME UPANG MAHULI ANG SUSPEK

 


Nagsuot ng capybara costume ang isang pulis sa Peru bilang paraan upang mahuli ang suspek.

Makikita sa bodycam footage ang isang naka-costumed na pulis na may hawak-hawak na pang-Valentine’s na regalo.

Nang makapasok sa isang bahay ay dito na nakorner ang suspek na isa palang drug dealer.

Napag-alaman na natagpuan sa raid ang nasa 1,700 packages ng cocaine at marijuana.

Matatandaan na ito rin ang police unit na gumagamit ng kaparehong estratehiya noong nakaraang taon upang linlangin ang suspek.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog