Sasabak para sa 16th Florida Championship 2025
ang tatlong Pinay na pambato ng Pilipinas.
Papangunahan ito ni Pauline Beatriz Del Rosario, tubong
Parañaque City kasama sina US-based Clarissmon ‘Clariss’ Guce, 34, at Tomita
Arejola, 24.
Gaganapin ang naturang kumpetisyon sa darating na Pebrero
28 hanggang Marso 2 sa Country Club of Winter Haven sa Winter Haven, Florida.
Si Del Rosario ay napag-alamang nasa ika-11th
na pwesto sa Indonesian Women’s Open habang nakuha naman nito ang ikaapat na
pwesto sa ICTSI Worldwike Link Philippine Ladies Masters sa Sta. Rosa, Laguna.
0 Comments