Ipagkakaloob na lang sa Pinoy ang award na Most Valuable Player ng University Athletic Association of the Philippines simula sa 87th o 2024-25 season ng liga.
Ito’y matapos na ipahayag na may hiwalay na award para sa mga foreign-student athlete.
Ilan sa mga dayuhang basketbolista na ginawan ng MVP ay sina Ben Mbala ng La Salle Green Archers, Bright Akhuetie ng UP Fighting Maroons, Soulemane Chabi Yo ng Sto. Tomas Growling Tigers, Ange Kouame ng Ateneo Blue Eagles, Malick Diouf ng UP, at Collins Akowe ng NU Bull Pups.
Maituturing na highest award ang MVP sa local player habang Best Foreign Student-Athlete (FSA) Award naman ang igagawad sa isang dayuhan na magiging lider sa statistical points.
Ayon kay UAAP executive director Rene Andrei Saguisag Jr., inaprubahan ang naturang mga award nitong nakaraang taon at ipapatupad sa ngayong season ng UAAP.
0 Comments