LALAKING GUSTONG MAGPA-IMPRESS SA KA-DATE, TINANGKANG PASUKIN ANG KULUNGAN NG TIGRE

 


Ganito ka rin ba magpasikat sa ka-date mo?

Isang lalaki sa India ang sinapak dahil sa ginawa nitong pagpapasikat sa kaniyang ka-date sa isang zoo sa India.

Umakyat lang naman kasi sa bakod at nagtangka itong pumasok sa kulungan kung saan naroroon ang isang puting tigre.

Nang papaakyat na sa bakod ang lalaki, maraming mga tao ang nagsigawan. Kinalaunan ay tumawid ito sa isang puno na nasa loob ng kulungan ng tigre sa Kamla Nehru Zoo sa Gujarat, India.

Plano pang bumaba ng lalaki sa kulungan ng tigre ngunit agad siyang binalaan ng mga tauhan ng zoo.

Nanggigil naman sa kaniya ang mga awtoridad habang ang iba ay di na nakapagpigil at bigla itong sinapak.

Inaresto naman ang lalaki at sasampahan ng kaukulang kaso.

Napag-alaman na gusto palang magpa-impress ng lalaki sa ka-date nito.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog