POLICE OFFICER SA PARIS, INUTUSANG MAGBAYAD NG 1,000 EUROS SA BABAENG BIKTIMA NG SEXUAL ASSAULT MATAPOS NITONG INSULTUHIN

 



Pinagmulta ng 1,000 euros ($1,000) ang police officer na French matapos nitong ilarawan ang isang babae na “whore” na naghain ng sexual assault.

Naghain ng reklamo ang isang 34-anyos na babae sa Paris police station noong Pebrero 2022 dahil sa isang “sexual assault” na ginawa sa kaniya sa kalye matapos manggaling sa night out.

Sa ulat, tumawag sa babae ang isang lalaking police officer at sinabihan na bumalik sa istasyon upang tapusin ang papaerwork.

Inakala ng pulis na pinatay na nito ang telepono kung kaya’t malaya nitong nainsulto ang babae na tinawag niyang “whore” ng dalawang beses at “fat whore”.

Dito na nagsimula ang galit mula sa mga aktibista kung saan sinabi nilang ang ginawang pang-iinsulto ng mga pulis ay sumasalamin sa kung paano nila tratuhin ang mga biktima ng sexual violence.

May nagkomento namang dapat sibakin sa pwesto ang 33-anyos na police officer na nang-insulto sa biktima. Kinasuhan naman ang pulis ng “non-public insult because of gender” at inatasan na magbayad ng nasa 1,000 euros sa babaeng biktima.

Post a Comment

0 Comments

Search This Blog